SC, ibinasura ang kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ni  Denise Cornejo laban kay Vhong Navarro

Ibinasura ng 3rd Division ng Korte Suprema ang kasong rape by sexual intercourse at acts of lasciviousness na isinampa ni Denise Cornejo laban sa sktor at TV host na  si Vhong Navarro.

Binaliktad ng mga mahistrado ang naunang desisyon ng Court of Appeals noong July 2021 at September 2022, na ipagpatuloy ang pagdinig sa kaso.

Ang naturang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Cornejo tungkol sa insidenteng nangyari noong 2014.

Kabilang sa mga pinuna ng mga mahistrado ng SC sa pagbasura ng kaso laban kay Navarro ang pabago-bago umano ng mga testimonya ni Cornejo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *