Search for Ms. Kasanggayahan, kinansela muna ngayong taon

Inanunsyo ng opisina ng Provl Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) na wala munang magaganap na pageant o ang taunang ‘Search for Ms. Kasanggayahan.’

Sa panayam ng Brigada News sa head ng tanggapan na si Bobby Gigantone, sinabi nito na ang pagkansela ay alinsunod sa desisiyon ni Gov Edwin ‘Boboy’ Hamor.

Ayon umano sa gobernador, sa susunod na taon na lang ito gaganapin upang mas lalo pa itong mapaghandaan dahil gusto ng opisyal na mismo ang 14 na munisipyo at mula sa lungsod ang kalahok sa nasabing pageant.

Samantala, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng PTCAO para sa nalalapit na selebrasyon ng Kasanggayahan Festival sa Oktubre.

Ayon pa kay Gigantone, halos dalawang linggo ang inilaan nilang araw para sa siksik na mga aktibidad na tiyak magugustuhan ng mga Sorsoganon at mga bibisitang turista.

Kabilang sa mga aktibidad ang recreation, street dances at ang ipinagmamalaking free concert ng lalawigan na mismong si ‘’ankabogabol’’ Vice Ganda ang magiging panauhing pandangal sa grand opening ng festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *