Seguridad pina-igting kaugnay ng Araw ng Kalayaan at aksitibidad sa Charter Anniversary ng Naga

NAGA CITY – Pina-igting ang seguridad sa mga plaza ng Naga City at mga pampublikong lugar kaugnay ng pag gunita ng ika-125 Araw ng Kalayaan kasabay na rin ng mga aktibidad ng Naga, kaugnay ng nalalapit na Ika-75th Charter Anniversary.

Ngayong walang pasok sa eskwela mas malaya ang mga kabataan sa sentro ng Naga tulad sa mga pasyalan, kainan pati sa pagdalo sa concert ng mga local artist.

Ayon kay Pcpt. Roderick Macararanga, Chief ng Tourist Police sa lungsod, dahil sa pagdoble ng bilang na pumunta kanina sa aktibidad na isinagawa sa Plaza Quince Martires kaugnay ng Independence Day, inaasahang mas dadami pa ang pupunta mamayang gabi dahil sa libreng konsyerto, Full Force ang gagawing pagbabantay ng NCPO-Tourist Police sa mga place of Convergence upang masegurong ligtas ang mga bibisita sa lungsod ng Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *