Senado sinimulan na ang plenary debates sa 2023 National Budget

Sinimulan na ngayong araw ang plenary debates para kaugnay sa 2023 Proposed National Budget.

Ngayong umaga tinalakay ng senado sa plenaryo ang general principle ng 5.26 trillion pesos na pambasang pondo para sa susunod na taon.

Kahapon nang iprinisenta ni Senate Committee on Finance chairman Sen. Sonny Angara sa senado ang P5.26 trillion national budget matapos ang ilang linggong marathon committee hearings.

Sa sponsorship speech ni Angara sinabi nitong ang 2023 national budget ay sumasalamin ng paninindigan ng bagong administrasyon.

Sinabi ni Angara na ang 2023 national budget ay tutugon sa ilang mga isyu katulad ng lumalaking populasyon ng bansa, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, at mga pangangailangan sa imprastraktura, at iba pa.

Una nang tiniyak ni Senate President Migz Zubiri na on-track ang budget deliberation at umaasang maipapasa ito ng senado sa katapusan ng Nobyembre ngayong taon. //CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *