Senador Go pinabulaanang nais ni Pangulong Duterte na maging ‘successor-president’ kaya gustong tumakbong VP

Pinabulaanan ni Senador Christopher Bong Go na balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging ‘successor-president’ kaya nais nitong tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na eleksiyon.

Ayon kay Go imahinasyon at guni-guni lamang umano ang pinalulutang ni Albay’s 1st District Representative Edcel Lagman na gusto ni Pangulong Duterte na muling bumalik sa pwesto sakaling manalong presidente ang magiging katandem nito.

Paliwanag ni Go na maraming rason kung bakit nasabi niyang kathang isip lamang nito ng mga kalaban nila sa pulitika.

Unang-una ayon sa mambabatas, hindi siya  interesado na tumakbo bilang isang Pangulo.

Pangalawa, kung saka-sakali mang mangyayari ito, mismo si Pangulong Duterte umano ay hindi papayag na bumitaw sa pwesto ‘yung nanalong Pangulo — kung sakali man siya ang maging Bise Presidente.

Hindi rin naniniwala si Go na may presidente magre-resign kapag nailuklok na sa pwesto.

Samantala tiniyak naman ni Go na handa nilang suportahan ni Pangulong Duterte ang sinumang kandidato na iboboto ng taumbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *