Senador, muling iginiit ang pagrepaso sa labor agreement sa Kuwait

Muling iginiit ng isang Senador ang pagrepaso sa labor agreement sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ni Jullebee Ranara at iba pang kaso ng pang-aabuso na kinakaharap ng mga overseas Filipino workers sa Gulf state.

Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ang pagkamatay ni Ranara at ang pang-aabuso kay Myla Balbag ay dapat mag-udyok sa gobyerno na gumawa ng konkretong aksyon para mas maprotektahan ang mga manggagawang ipinapadala sa Kuwait.

Noong February 1, naghain si Villanueva ng resolusyon na humiling ng ratipikasyon ng International Labor Organization Convention sa antas ng executive department. Ang convention na ito, na pinagtibay sa Geneva noong June 2019 ay naglalayong alisin ang karahasan at harassment sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa.

Samantala , nangako naman si Department of Migrant Workers secretray Susan Ople, na ia-update ang labor deal ng bansa sa Kuwait kasunod ng mga pang-aabusong ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *