Send-off ceremony ng security forces para sa Sinulog Festival – lumarga na

Isinagawa kaninang umaga ang send off ceremony para sa 3,500 strong forces na siyang magbibigay seguridad sa nalalapit na Fiesta Senior at sa Sinulog 2024 sa lungsod ng Cebu.

Ang naturang sendoff ceremony ay pinangungunahan mismo ni Cebu City Mayor Michael Rama, mga opisyal mula sa Police Regional Office-7, Cebu City Police Office at iba pang mga force multipliers.

Si Father John Ion Miranda ang nagbigay ng blessing sa libu-libong mga security force bago sila i-deploy sa iba’t ibang mga lugar at aktibidad sa Sinulog celebration.

Kasama sa mga nag-attend ay ang mga officials mula sa Cebu City Government, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Air Force of the Philippines, Special Weapons and Tactics, Philippine Navy, Philippine Coast Guard, Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Health, at Cebu City Transportation Office.

Nalaman na sa harap ng image ng Señor Sto. Niño, si Mayor Rama kasama ang mga opisyal ng pulisya at iba pang mga city officials ay nagsagawa ng Sinulog dance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *