Shifting sa schedule ng mga mag-aaral ngayong pasukan, pinag-aaralang ipatupad ng DepEd

Pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon o pagdadagdag ng shift sa schedule ng mga estudyante para sa nalalapit na pasukan ngayong Agosto.

Ito raw ay upang hindi magsiksikan sa loob ng isang classroom o silid-aralan ang lahat ng mga bata.

Sa isang panayam, ipinunto ni DepEd Spokesperson Michael Poa na sa ngayon ay target nila na magkaroon ng pang-umaga at panghapon na klase sa bawat public schools, ito ay kung marami ang bilang ng mga estudyante sa isang section at baitang.

Aniya, ngayong inaasahan na ang pagbabalik sa eskwelahan ng maraming mag-aaral, isa sa mga prayoridad ay ang mapanatiling ligtas ang mga ito laban sa covid-19.

Higit dito ang pagsunod nila sa health protocols lalo na ang social distancing.

Kaya naman sinabi ni Poa na posible nilang ikonsidera ang shifting sa pagpasok ng mga bata ngayong school year 2022-2023.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.