Skills Training sa Olongapo, muling bubuksan

Bubuksan na ulit ng City Government ang Olongapo training center para sa mga residente na gustong sumalang sa pagsasanay at magkaroon ng diploma mula sa Technical Education and Skills Development Authority.

Ito ay makaraang maisara ng ilang taon ang pasilidad dahil sa pag-iral ng covid-19 at pagbabawal sa mga face to face classes.

Ayon kay Public Employment Services Offices Manager Mario Esquillo, nagtulong-tulong ang LGU, DOLE at TESDA para umpisahan ang pagsasanay ng mga interesado at ang tulong para makapasok sa trabaho.

Tatlumput tatlong trainees ang unang sasalang sa skills training at pagkatapos ng mga ito ay susunod naman ang ikalawang batch bago matapos ang Pebrero.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *