Smuggled goods binabantayan ng PNP Maritime Group sa Camarines Sur

NAGA CITY- Araw-araw mahigpit ang inspection ng PNP Maritime Group- Camarines Sur kasama ang Philippine Coast Guard at iba pang katuwang na opisina sa mga roro at cargo vessels na papaalis at dumarating sa Pasacao Port.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSMS Noemie  Villarino, Deputy Station Chief ng nasabing taggapan. Simula aniya noong nagdaang linggo wala naman silang nahaharang na pinuslit na produkto.

Nitong Biyernes Pebrero 17, 2023 aabot sa ₱95-milyon na halaga ng mga umano’y smuggled na agri-products tulad ng sibuyas ang nadiskubre ng Bureau of Customs sa isang cold storage facility sa Malabon City.

Noong Pebrero 15 aabot sa 850,000 na litro ng undocumented fuel ang nasabat sa Batangas.

Upang mapatibay pa ang mga operasyon laban sa smuggling, itinutulak ni Senator Cynthia A. Villar ang pagbuo ng Anti-Agricultural Smuggling Task Force.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *