Sorpresang pagbisita sa mga classroom sa CamHigh, ginagawa kontra sa pag bi-vape

NAGA CITY – Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit o pagdadala ng vape o e-cigarette  sa Camarines Sur National High School sa Naga City.

Base kasi sa isang pag-aaral, tinatayang isa bawat limang batang lalaki at isa naman bawat limang batang babae na nag-eedad 13-15 ay gumagamit ng e-cigarettes o vapes.

Ayon kay Dr. Alferez Sulpicio, Principal ng Camarines Sur National High School, maliban sa mga patalim, marijuana o drugs isa ang vape sa mahigpit nilang ipinagbabawal sa paaralan lalo na’t marami ang gumagamit sa mga komunidad.

Dumadaan sa disciplinary action ang bata at kinakausap ang magulang kung magiging pauli-ulit magkakaroon ng positive sanction.

Bawal rin kasing sila mismo ang titingin sa mga gamit ng mga estudyante lalo na personal na mga gamit ito, kaya ang ginagawa na lamang ng paaralan, surprise visit sa mga classroom at mismong ang mga bata ang magpapakita ng laman ng kanilang mga bag.

Karamihan pa nga sa mga nakukuha sa mga ito kung hindi vape mga condom. Mahigpit rin ang pagbabantay sa paaralan umaga man o gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *