SSS marami umanong natatanggap na reklamo hinggil sa pagho-hold ng mga private lending institution sa ATM card ng mga pensiyonado

CAMARINES NORTE- Kinumpirma ng Social Security System (SSS) na marami na itong natatanggap na reklamo hinggil sa pangho- hold ng mga private lending institution sa automated teller machine (ATM) card ng mga pensyonado.

Sa panayam ng Brigada News FM sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo may mga pensyonadong nagrereklamo at nagtatanong sa kanilang opisina kung papaano makukuha ang ATM card na nakasangla.

Ang ginagawa raw kasi ng mga lending institution ay pinare- renew lang nang pinare- renew ng utang ng mga ito ang mga pensyonado at hawak pa rin ng una ang ATM card.

Paalala ni Robredo na bawal isangla ang ATM card ng pensyonado.

Pero marami raw ang napipilitang gawin ito dahil sa matinding pangangailangan.

Kaya naman paalala ni Robredo sa mga  qualified pensioner na sa halip na umutang sa mga private lending institution ay mas makabubuti kung i- avail na lang ng mga ito  ang Pension Loan Program (PLP).

Sa pamamagitan umano nito ay tuloy- tuloy pa rin ang pagtanggap ng pensyon kahit mayroong pagkakautang sa SSS.

Hindi raw kasi inuubos ang amortization dahil batay sa panuntunan ay kailangang matirhan pa rin ng 47 % ang pensyonado para tuloy- tuloy pa rin nitong ma- enjoy ang pensyon.

“Ang PLP natin is naiiba po yan sa  ibang mga private institutions na nagbibigay ng pension loan kasi hindi namin po kinukuha ang ATM card kasi bawal po nga yang isangla, kaya kung sa SSS kayo mag- aavail bibigyan namin kayo ng cash card o ngayon po sa disbursement ATM na ninyo kung saan pumapasok yung pensyon niyo doon na rin ipapasok yung proceed ng loan,” ani Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *