Sorsogon City Water District nakahanda na laban sa El Niño phenomenon; pagtitipid ng tubig ipina-alala sa mga member consumers

Binigyang diin ng Sorsogon City Water District na mayroon na silang mga paghahanda o mitigation measures kaugnay sa pagsisimula ng El nino Phenomenon sa buong bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Interim General Manager Engr. Eduardo Tejada, sinabi nito na mayroon na silang El Nino Action Plan kung saan pinakauna rito ay ang malakawang Information Education campaign (IEC) o pagpapalalala sa mga member conusmer pagdating sa pagtitipid ng tubig dahil malaki ang maitutulong nito upang hindi tuluyang magkulang ng suplay ng tubig sa lungsod ng Sorsogon, ikalawa rito ay ang pag-aayos ng mga linya ng tubig o ang pagsugpo ng mga leakage at mga illegal connection na bahagi ng rehabilitation ng mga linya ng tubig na una nang napondohan ng nasa P25M sa mga nakatalikod na taon sa pangunguna ng Prime Water Sorsogon City.

Aniya, ang mga naitatalang kawalan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng lungsod ay nasa monitoring na ng kanilang grupo at patuloy nila itong ginagawan ng aksyon kasabay ng patuloy na pagdami ng mga member consumers kung kaya’t kailangan rin nilang mapataas ang suplay ng tubig mula sa na deni-develop nilang water sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *