Sorsogon, may mahigit 50K  benepisyaryo ng 4P’s

Mayroong kabuuang 52,257 active registered 4P’s household beneficiaries ang Sorsogon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 5 Policy and Plans Division OIC Chief Marissa Paeste sa isinagawang Annual Media Forum.

Ayon ditto, ang nasabing bilang ay katumbas ng 15.18% mula sa kabuuang 344,163 active registered beneficiaries sa buong rehiyon ng Bicol.

Binanggit din nito na batay sa kanilang datos, nakapagtala ang ahensya ng 22,211 benepisyaryo sa lalawigan na nakapagtapos na ng 4P’s at hindi na kasama sa programa.

Ang nasabing bilang batay naman sa 131,289 kabuuang bilang ng mga benepisyaryo sa rehiyon na nag-exit  at nagtapos na sa programa.

Bukod sa nasabing mga datos, tinalakay din sa Annual Media Forum ang mga target ng ahensya, mga hamon na kinakaharap sa takbo ng kanilang target na pagpapatupad, at mga nagawa mula 1st hanggang 4th quarter ng taong 2022 kasama ang 1st quarter ng 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *