Sorsogon, nakapagtala ng isang sanggol na nasawi sa Covid-19

SORSOGON CITY – Nakapagtala ng isang sanggol na nasawi sa coronavirus ang lalawigan ng Sorsogon, ito ang kinumpirma ng DOH-Bicol.

Ayon sa ahensiya, lima pang infant mortality ang naitala sa Bicol simula nang magkaroon ng pandemya, kung saan tig-dalawa sa lalawigan ng Albay at Camarines Sur at isa din sa Masbate.

Nag-eedad umano ng isang taon pababa ang mga ito na kinabibilangan ng dalawang babae at apat na lalaki.

Ayon pa sa DOH, ang mga sanggol ay posibleng nahawaan ng kanilang Ina ng droplets nito habang kinakarga o pinapasuso.

Bunsod nito, pinayuhan ng ahensiya ang mga ina o sinuman sa miyembro ng pamilya na kung hahawak o mag-aalaga ng sanggol ay magsuot ng face mask at palaging mag-disinfect ng alcohol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *