Sugatan na dolphin, natagpuang patay sa Roxas, Palawan

Patay at may mga sugat nang matagpuan ang isang dolphin sa baybayin ng Sitio Malabusog Barangay Tinitian, Roxas Palawan ngayong umaga.

Tinatayang may walong talampakan ang haba nito, ayon sa Punong Barangay na si Kap. Andrew Golifardo.

Makikita rito ang mga sugat na ang hinala ng opisyal ay kagagawan ng tao.

Samantala, ang insidente ay ipinagbigay alam na ng Brigada sa Palawan Council for Sustainable Development Staff o PCSDS sa bayan ng Roxas upang maimbestigahanang hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *