“Systematic disease monitoring” sa hog raising industry sa Catanduanes, inaasahan ng provincial government matapos ang paglunsad sa “BaBay ASF” program

BICOL—Matapos na ilunsad ang “Bantay ASF sa Barangay o BaBay ASF” program sa lalawigan ng Catanduanes nitong nakaraang linggo, inaasahan umano ng pamahalaang panlalawigan ang mas maigiting na pagbabantay at pag i-inspeksiyon sa lahat ng mga papasok na karneng baboy sa islang probinsiya.

Sa pahayag ni Gov. Joseph Cua, sa tulong ng provincial veterinary office, ay inaasahan ng pamahalaang panlalawigan na maisasagawa ang “systematic disease monitoring” sa mga alagang baboy sa isla, sa lahat ng pagkakataon. Aniya, labis na nagdulot ng pagkalugi ang ASF sa Catanduanes, hindi lamang sa mga hog raisers kundi maging sa mga local meat vendors na ikinabagsak naman ng ekonomiya sa isla.

Doble dagok din aniya ang naranasan ng lalawigan, dahil pumasok ang swine virus sa probinsiya sa kalagitnaan ng pandemya at sa panahon kung kailan hindi pa gaanong nakakarekober ang Catanduanes mula sa pinsalang iniwan ng bagyo nitong nagdaang taon.

Kaugnay nito, inihayag naman ng opisyal ang kanyang pasasalamat sa Department of Agriculture, at DILG na silang nasa likod ng paglulunsad sa nasabing programa, na malaking tulong sa laban ng probinsiya konta African Swine Fever. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *