Mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol kahapon, sumipa sa 438

BNFM BICOL—Sumipa sa kabuuang 438 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Bicol kahapon batay sa ulat na inilabas ng Department of Health.

Sa naturang bilang, 184 sa mga ito ang mula sa Camarines Sur kung saan 77 ang mula sa Naga City; 25 sa bayan ng Pili; 14 sa bayan ng Calabanga; tagli-limang kaso ang mga bayan ng Cabusao, Canaman, Libmanan at Minalabac; tag a-apat naman ang mga bayan ng Balatan, Bato, Iriga City, Nabua, San Fernando, Sipocot; may tag ta-tatlong kaso ang bayan ng Goa at Milaor; tagda-dalawa ang mga bayan ng Buhi, Bula,Camaligan, Magarao, Ragay, San Jose at Tinambac habang may tag-iisa naman ang Bombon, Gainza, Pamplona at Sagnay.

Pumangalawang muli ang lalawigan ng Albay sa nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso kahapon na mayroong 85. Mula dito, 26 ang mula sa Legazpi City; 17 sa Tabaco City; tag wa-walong kaso ang mga bayan ng Camalig, Daraga at Tiwi; pito sa Ligao City; tatlo sa Manito; tag da-dalawang kaso ang mga bayan ng Bacacay, Polangui at Libon habang may tag-isa ang Guinobatan at Malilipot.

Samantala, ang lalawigan ng Sorsogon ay nakapagtala rin ng 71 kaso ng COVID-19 kung saan 23 nito ang mula sa Sorsogon City; 12 sa bayan ng Castilla; sampo sa Bulan; pawang limang kaso sa Gubat at Prieto Diaz; apat sa Irosin; tag-tatlong kaso ang Juban at Matnog; dalawa sa Casiguran at tag-iisang kaso naman ang mga bayan ng Barcelona, Donsol, Pilar at Santa Magdalena.

Sa Camarines Norte, 62 ang naidagdag na mga bagong kaso ng sakit kung saan 22 nito ang mula sa bayan ng Daet; 16 sa Labo; pito sa Paracale; lima sa Basud; tatlo sa Jose Panganiban, Santa Elena at Vinzons at tag-iisa ang mga bayan ng Capalonga, Mercedes at San Vicente.

Sa mga island provinces ng rehiyon, ang Catanduanes ay mayroong 34 na mga bagong kaso kung saan 15 nito ang mula sa Virac; lima sa Caramoran; apat sa Panganiban; tag ta-tatlong kaso ang Baras, Bato at Pandan habang isa sa San Miguel.

Zero new case naman ang islang probinsya ng Masbate habang may dalawang kaso ang mula sa labas ng Bicol ngunit dito nairehistro sa rehiyon.

Bunsod nito, pumapalo na sa kabuuang 48,760 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 3,532 nito ang nananatiling aktibong kaso.

Umabot naman sa 29 ang mga naitalang bagong gumaling kung kaya’t nasa 43,227 na ang recoveries habang isa ang naidagdag sa mga nasawi kung kaya’t umabot na rin sa 2001 ang COVID-19 death toll sa Bicol.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *