TANIM NA MARIJUANA, NATUKLASAN SA ISANG BAHAY SA LAL-LO, CAGAYAN

Natuklasan ng Lal-lo Police Station katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 2 at 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ang mga tanim na marijuana sa isang bahay sa Lal-lo, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang nagmamay-ari ng bahay na si alyas Ikku, 61-anyos at isang PWD.

Isinilbi ng kapulisan ang search warrant sa bahay ni alyas Ikku kung saan positibong natuklasan ang nakatanim na limang pinaghihinalaang cultivated o cultured marijuana plants.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Lal-lo Police Station ang may-ari ng bahay habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *