Taxi Driver inaresto sa border control check point ng Naga dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento

NAGA CITY – Sa halip na sa presinto, sa quarantine area facility ng lungsod ng Naga, dinala ang naarestong taxi driver na namamasahero na gumagamit ng pekeng mga papeles tulad ng RT-PCR Test, Antigen Test at iba na nagtangkang lumusot sa border control check point sa may bahagi ng Milaor at lungsod noong nakaraang gabi.

Bukod sa naturang driver, peke rin ang mga dokumento ng mga pasahero ayon kay PLt.Col Errol Garchitorena, Deputy chief for operation ng Naga City Police Office at Chief ng Security Cluster ng City Health Emergency Response Task Force, O (HERTF) lumabas na bumayad ng tig P500.00 ang mga pasahero para sa mga palsipikado nilang mga dokumento.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Garchitorena, nabanggit nito na kabilang sa mga pasahero na naka quarantine na ngayon ay ang dalawa kataong uuwi pa sana sa Sorsogon.

Inaaral na rin nilang kasuhan ang naturang driver.

Kaugnay nito, inaasahan nina Garchitorena na hindi na makakalusot sa kanilang border ang ganitong may mga modus operandi dahil  nadagdagan pa ang kanilang tropa mula sa mga ahensiya ng Highway Patrol Group, Land Transportation Office, Bureau of Fire Protection, Phil. Army at Land Transportation and Franchising Regulatory Board.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *