Mga anunsyo at iba pang impormasyon ng DOH-Bicol sa Covid-19 gagawin na lamang na weekly report

Inanunsyo ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) sa publiko na ang pagbibigay ng impormasyon may kinalaman sa COVID-19 ay gagawin na lamang ng lingguhan simula Abril 11, 2022.

Ito ang inihayag ng DOH Bicol sa inilabas na press briefing nitong nakaraang araw. Ayon sa tanngapan, gagawin na lamang na weekly report ang pagbibigay ng impormasyon patungkol sa covid 19 status dahil sa iaangkop sa format ng Lingguhang COVID-19 Bulletin ng DOH Central Office.

Ang paglipat sa lingguhang pag-uulat ng ahensya ay upang palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa ilalim ng bagong normal at upang bigyang-tuon ang mga parehong mahalagang programang pangkalusugan ng DOH.

Isasama sa Lingguhang Bulletin ng COVID-19 ang Paggamit ng Pangangalagang Pangkalusugan sa rehiyon, Pagkamit ng Pagbabakuna, at mga kaso ng COVID-19. Kasama rin ang karagdagang impormasyon tulad ng mga contact details, anunsyo, at promosyon ng mga programa ng ahensya.

Ang Bicol CHD ay naninindigan sa kanilang mandato na magbigay sa publiko ng tama at napapanahong impormasyon sa mga alalahanin sa kalusugan.

Samantala, Sa bagong format ng mga update sa COVID-19, pinapaalalahanan parin ang publiko na patuloy na sundin ang pinakamababang pamantayan sa kalusugan ng publiko at tumanggap ng kanilang bakuna laban sa COVID-19 at mga boosters shot para sa patuloy at higit pang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *