Teves sa balitang uuwi ng PH: ‘Fake news’

Nanindigan si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves na walang katotohanan ang isiniwalat ni Justice Secretary Boying Remulla na susuko na ito ngayong araw.

Ayon kay Teves, ‘fake news’ ang sinabi ni Remulla sa isang press conference na siya raw ay babalik na ng Pilipinas ngayong araw para sumuko.

Kinuwestyon ni Teves ang umano’y ‘reliable source’ ni Remulla dahil siya lang daw ang tanging nakakalaam kung kailan siya uuwi.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng kanyang legal counsel nito na si Atty. Ferdinand Topacio na hanggat mayroon pa ring banta sa buhay ni Teves ay hindi pa rin ito babalik ng bansa.//LGD edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *