Tinatayang 1.3-M na mga benepisyaryo ng 4Ps, hindi na maituturing na mahirap – DSWD

Tinatayang 1.3 milyon na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang hindi na umano maituturing na mahirap.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles, ito ang laman ng presentasyon ni Social Welfare Sec. Erwin Tulfo kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanilang Cabinet meeting sa Malacanang.

Ang naturang bilang ay mula sa 4.4 million na mga benepisyaryo na nakakatanggap ng ayuda ngayon mula sa naturang programa.

Paglilinaw naman ni Tulfo, patuloy ang review ngayon sa 4Ps recipients, kung saan may 600,000 pang benepisyaryo ang kanilang beneberipika.

Una nito, ibinahagi ng kalihim na marami silang natatanggap na ulat na may ilang benepisyaryo ng naturang programa ay hindi na umano kwalipikado na makatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *