Trabaho ni Albay Gov. Rosal, apektado dahil sa kinakaharap na disqualification case

LEGAZPI CITY – Aminado ang gobernador ng Albay na naapektuhan ang kanyang mga transaksyon, at trabaho dahil sa kinakaharap na disqualification case.

Ito ang naging pahayag ni Gov. Noel Rosal sa isang press conference kahapon sa pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Rosal, marami na dapat sanang nagagawa o tinatrabaho bilang gobernador ngunit ilan sa mga ito ay nahinto dahil sa kaso.

Hindi rin biro umano na magkaroon ng ganitong kaso kung kaya’t mas kinakailangan niyang bigyan ito ng pansin at tutukan ang mga problema.

Binigyang-diin din ng opisyal, sa oras na lumabas ang TRO ay makakahinga at makakabalik na rin sa normal ang trabaho niya bilang gobernador ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *