4th quarter regular press conference ng DEPED Bicol, isinagawa kahapon

LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ng Department of Education (DEPED) Bicol ang 4th Quarter Regular Press Conference sa Regional Office 5 Barangay Rawis, lunsod ng Legazpi.

Pinangunahan ni DEPED Bicol Regional Director Gilbert T. Sadsad at nakiisa rin sa talakayan ang tagapagsalita ng DEPED Central office na si Atty. Michael Poa na nagbigay din mensahe sa mga local media partners.

Tinalakay sa nasabing pagtitipon ang mga detalye at mga kalinawan sa mga katanungan ukol sa in-person classes at ang pagsusulong ng propesyonalismo sa pagpapatupad ng basic education sa rehiyon.

Layunin ng aktibidad na mas maipaabot sa media ang mga lehitimong impormasyon ukol sa mga programa ng kagawaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *