Transport group, hinimok ang gobyerno na isama ang transport rules sa education curriculum

Hinimok ng transport group ang gobyerno na isama ang traffic regulations sa education curriculum sa gitna ng pagkakaapruba sa bagong traffic code sa Metro Manila.

Ayon kay Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP), na sa Bicol Region ipinapatupad na umano ito sa mga classrooms.

Dagdag ni Marquez, na dapat mareview ang mga traffic rules at kailangan din umano na may pondo ang gobyerno para sa jeepney stops, maghire ng mas maraming traffic enforcers, at mag-install ng mga karagdagang sign boards.

Mababatid na nitong buwan lang, inaprubahan ng mga alkalde sa Metro Manila ang traffic code na magbibigay daan para sa pag-standardize sa multa at penalidad para sa 20 most common violations.

Magpapahintulot din ang naturang system sa mga motorista na bayaran ito electronically, at hindi rin kukumpiskahin ang driver’s license sa gitna ng apprehension.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *