TUCP, umapela sa next admin na ayusin ang labor issues

Naniniwala si Trade Union Congress of the Philippines spokesperson Alan Tanjusay na kulang na kulang ang ipinatupad na wage increase para sa mga mangagawa.

Aniya, mabilis din itong malulusaw lalo na’t inaprubahan na ng Department of Trade and Industry ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Partikular na rito ang nakaambang pagtaas sa suggested retail price ng 82 mga basic necessities at prime commodities.

Ayon kay Tanjusay, tuloy sa pagbaba ang purchasing powers ng mga Pilipino lalo na’t hindi sumasabay ang wage increase sa pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Muli ring iminungkahi ni Tanjusay ang pagbabago sa siste ng mga wage boards.

Sa ngayon daw kasi, tila ay inaabuso na ang pagkakaroon ng ‘cheap labor’ kaya naman iisang wage board na lamang ang dapat mayroon at hindi na kada rehyon.

Giit niya, pare-pareho lang ang presyo ng bilihin sa Luzon, Visayas, at Mindanao – pero magkakaiba pa rin ang pasahod sa mga mangagawa.

Dahil dito, umapela siya sa susunod na administrasyon na gumawa ng mga hakbang para mas maparami pa ang trabaho sa bansa.

Sa loob ng dalawang taon, dapat daw ay makagawa ng apat na milyong trabaho ang susunod na gobyerno.

Kinalampag din nito si presumptive president Bongbong Marcos na lagdana n ang security of tenure bill na unang na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *