Turista sa Vatican, arestado matapos magwala sa museo makaraang hindi pahintulutang makita si Pope Francis

INARESTO ng mga otoridad sa Vatican ang isang turista matapos itong magmaktol at gumawa ng komosyon habang namamasyal sa loob ng Chiaramonte Museum.

Ang insidente ay nag-ugat umano matapos hindi pahintulutan ang lalaki sakanyang kahilingan na makausap at makaharap ang Santo Papa.

Nagawa nitong ihagis ang isang antigong Roman Statue sa nasabing museo na ayon sa tala ay nasa 2,000 taon na ang edad.

Nang nag-aamba na ang mga guwardiya na ito ay hulihin, sinubukan pa nitong tumakbo at tumakas dahilan para kanyang masagi ang isa pang estatwa sa lugar.

Ganunpaman, hindi na rin nakapiglas pa ang nambulabog na turista at agad itong naidala sa presinto.

Sa kasalukuyan, inaalam na ang halaga ng danyos at multang pababayaran mula sakanya habang inihayag ng pamunuan ng museo na magpapatupad sila ng mga bagong interventions para maiwasang maulit ang mga tulad na insidente.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *