Unang H3N8 bird flu death, naitala sa China

Isang babae ang iniulat na namatay mula sa H3N8 bird flu sa China at kauna-unahang human fatality mula sa avian influenza strain.

Ayon sa World Health Organization, ang babaeng namatay ay isang 56 na taong gulang mula sa Guandong province sa southeast China.

Iniulat na nagkasakit ito noong February 22 , naospital dahil sa pneumonia noong March 3 at namatay noong March 16.

Wala naman sa mga close contacts niya ang nagkaroon ng impeksyon o sintomas ng sakit.

Ang H3N8 ay umiikot na mula noong 2002 pagkatapos maitala ang unang kaso sa North American waterfowl. Ito ay kilala na nakakahawa sa mga kabayo, aso at seal.

Hindi pa nakita ang kaso nito sa mga tao bago lumitaw ang dalawang naunang kaso na hindi nakamamatay na naitala sa a China noong Abril at Mayo noong nakaraang taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *