Unang linggo ng implementasyon ng f2f classes sa Region 2, naging matiwasay

Matiwasay at wala umanong naitalang malakingf problema ang unang linggo ng implementasyon ng full face to face classes sa Lambak ng Cagayan.

Ito ang kinumpirma ni DepEd Regional Director Benjamin Paragas kung saan binanggit nito na karamihan umano sa mga paaralan sa rehiyon ay nakilahok sa full blast f2f class noong November 2, 2022.

Aniya, hindi nakasama sa unang implementasyon ang mga paaralan sa probinsya ng Cagayan at Isabela na binaha dahil sa nagdaang bagyo kung saan kabilang na dito ang mga paaralan sa Tuguegarao City na ngayong linggo pa pa lamang magsisimula.

Aminado naman ito na karaniwang problema sa mga paaralan kada taon ay ang kakulangan sa guro, classrooms, upuan at mga learning modules.

Kaugnay dito, nakipag-ugnayan ang mga Schools Division Superintendent sa mga local chief executives upang tugunan ang naturang mga kakulangan upang matiyak ang na maging maayos ang pag-aaral ng mga estudyante.

Dagdag pa nito, sa mga paaralang nabaha ay agad nagsagawa ang mga school heads ng paglilinis kung saan ginamit ng mga ito ang kanilang MOE at special education fund at naging manageable naman umano ang nakitang mga sira sa classrooms.

Samantala, sa naranasan namang lindol ay mayroong grupo ng engineers na umano ang sumuri sa nakitang bitak ng mga paaralan at tiniyak naman ni RD Paragas na hindi na ito ipinagamit pa sa mga aaral upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *