Unibersidad sa Japan at Thailand, magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa seaweeds sa Sorsogon

Pag-aaralan ng mga professor at seaweed experts ng Hiroshima University sa Japan sa pangunguna ni Dr.Lawrence Liao at mga guro mula Kasertzart University sa Thailand ang mga seaweeds sa Sorsogon.

Sa Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng nasabing mga unibersidad at ng Sorsogon State University, magiging katuwang ng SorSu ang naturang mga university sa pag-aaral ng ibat-ibang potensyal ng seaweed sa lalawigan.

Bukod pa rito, magsasagawa rin ng scholarly research ang ilang Japanese students sa SorSu Magallanes Campus para sa iba’t ibang uri ng seaweeds dito.

Ang nasabing seaweeds potential exploration sa lalawigan ay papangunahan naman ni Dr. Richard Dumilag, local expert collaborator ng Sorsogon State University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *