VIP account ng Facebook, posibleng alisin na

Plano ng Facebook na tuldukan ang polisiya nito na nagbibigay ng proteksyon sa mga politicians mula sa content moderation rules nito.

Ang report ay lumutang sa gitna ng inaasahang anunsyo ng Facebook sa tugon nito sa rekomendasyon ng oversight board ng kompanya kasunod ng suspensyon sa account ni dating US President Donald Trump.

Nakasaad sa rekomendasyon ng board na dapat ay ipataw sa lahat ng users ng app ang kanilang umiiral na polisiya tulad ng pagpapasya kung ang isang post ay dapat na maalis at kung kailan sila dapat tumugon sa mga “influencial account”.

Ang Oversight Board ng Facebook ay ang independent group na pinopondohan ng kompanya na maaaring makapag-overrule sa kanilang desisyon.

Inaasahang anumang araw ay ilalabas ng Facebook ang pagbabago sa kanilang social network policy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *