Visayas Command: Walang banta sa seguridad sa Sinulog 2024

Walang namomonitor na banta ang Visayas Command sa seguridad sa Fiesta Señor at Sinulog 2024.

Sa kabila nito, sinabi ni VISCOM Commander, Lieutenant General Benedict Arevalo, hindi nila ibinababa ang kanilang heighten security efforts upang maiwasan ang iba pang untoward incidents na maaaring mangyari sa inaabangang pinakamalaking pista sa buong bansa.

Kaugnay nito, nag-deploy na ng halos isang libong sundalo ang VISCOM sa Cebu City para matiyak ang mapayapa at matiwasay ang pagdaraos ng mga aktibidad sa Pista.

Ang mga ito ay nagmula sa tropa ng Philippine Army, Philippine Navy, at Philippine Air Force.

Sa pakikipag-ugnayan sa PNP, at iba pang ahensya ng gobyerno sa Cebu City, ipapakalat ang nasabing mga tauhan para sa seguridad sa pagsasagawa ng Penitential Walk, Sinulog sa Kabataan sa Dakbayan, Sinulog sa Lalawigan, Fluvial, at Solemn Procession, at ang grand parade na tiyak na dadagsain ng pinakamaraming tao. //CA, edited: MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *