‘Walang koneksyon sa COVID-19 vaccination ang mga napaulat na nasawi matapos mabakunahan’ – DOH

Nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang mga napaulat na nasawi matapos mabakunahan laban sa COVID-19, ay wala umanong koneksyon sa COVID-19 vaccination.

Nabatid na batay sa datos ng  Food and Drug Administration (FDA), sinabi ni Vergeire na mayroong 2,573 deaths na naitala matapos mabakunahan.

Dagdag ni Vergeire na as of August 6, ang kabuoang doses na naiturok ay nasa mahigit 159 million na, at tanging 0.07% lang umano ang napaulat na nakaranas ng adverse reactions, habang 0.006% naman ang nakaranas ng severe adverse reactions.

Dahil dito, masasabi umanong ang lahat ng nirereport na fatal outcomes, ay hindi nangangahulugang dahil sa bakuna ang dahilan ng pagpanaw ng naturang mga indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *