Website ng Vatican, hindi na-access dahil sa pinaghihinalaang cyberattack

Hindi na-access ang webiste ng Vatican dahil umano sa pinaghihinalaang cyberattack na isinisisi ng Ukrainian ambassador sa Russia.

Ayon sa tagapagsalita ng Vatican na si Matteo Bruni, ang cyberattack ay nangyari isang araw matapos magpahayag ang bansang Russia ng “indignation” sa mga komento ni Pope Francis na tumutukoy sa diumano’y papel ng Russian ethnic minorities sa digmaan ng Moscow sa Ukraine.

Sinabi ni Pope Francis sa isang panayam na ang ilan sa mga “cruelest” actor sa hanay ng Russia ay “hindi Russian tradition”, ngunit ang mga minorya tulad ng “mga Chechen, Buryati at iba pa”.

Tinawag rin ni Pope Francis na ‘armed agression’ ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Ukrainian ambassador to the Vatican Andrii Yurash, ang nangyaring cyberattack ay pagpapakita rin umano ng totoong mukha ng Russian Polictics. (BRITANNICA PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *