KORONADAL CITY — ARESTADO ang isang welder sa anti-illegal drug entrapment operation ng mga otoridad kahapon ng hapon sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ang nahuli na si Norodin Brahim Esmael, alyas Montong, 35, at residente ng Purok New Society, Barangay Apopong, General Santos City.
Inaresto ito matapos nag-benta ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu sa isang pulis na poseur buyer kapalit ng P1,000.
Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang tatlong malalaking sachet ng pinaniniwalaang shabu na umaabot umano sa P15 grams at nagkakahalaga ng P102,000.
Sa ngayon, nasa kostudiya na ito ng Tupi PNP para sa kaukulang kaso.
