Zambales, plano na ring bumili ng freezer na paglalagyan ng mga bakunang gawa ng pfizer at moderna

ZAMBALES- Pinaplano na rin ng Zambales Provincial Government na bumili ng Ultra Low Cold Chain gaya ng bibilhin ng Olongapo.

Ito ay para mapasama sa mga probinsya na posibleng bigyan ng Department of Health ng suplay ng mga bakunang gawa ng pfizer, sputnik v at moderna.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, mayroong maliit na bilang ng mga Zambaleńo ang gustong makapagpaturok ng bakunang gawa ng ibang mga bansa maliban sa astrazeneca at sinovac.

Dahil dito, kinakailangang bumili ng mas mamahaling uri ng freezer ang mga local government na nagbabalak na humingi sa DOH ng mga bakunang mula Russia at Estados Unidos.

Isa rin kaparehong unit ang planong bilhin ngayong linggo ng City Government ng Olongapo para sa kaparehong dahilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *