๐—•๐—”๐—ก๐—š๐—ž๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ, ๐—ก๐—”๐—ง๐—”๐—š๐—ฃ๐—จ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—œ๐—”, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

Naniniwala ang kapulisan ng Alicia PNP na walang nangyaring foul play sa pagkamatay ng isang lalaki sa Brgy. Callao, Alicia Isabela na natagpuan ang wala ng

buhay na katawan nito malapit sa palayan at nasa state of decomposition na.

Ang namatay ay nakilalang si Franklin Cacanindin, 47 anyos, at residente sa nasabing lugar.

Sa impormasiyong ibinahagi ng kapulisan sa 92.9 Brigada News FM Cauayan, pasado alas dose ng tanghali ngayong araw, July 6, 2023 habang kasalukuyang nagpapahinga si Nicasio Pascua Jr sa kanilang family old house ay nakaamoy ito ng hindi kaaya-aya.

Galing ang amoy malapit sa palayan kung saan malapit din ang bahay ng biktimang si Cacanindin.

Lumapit si Pascua sa lugar kung saan nanggagaling ang mabahong amoy at dito natuklasan ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, mayroong sakit sa pag-iisip si Cacanindin at palagi ring inaatake ng sakit na epilepsy kung saan bago ang insidente ay dalawang araw nilang hindi nakita ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *