Ilang tauhan ng QCPD, nahaharap sa admin raps re: pagkalat ng vid ni Ronaldo Valdez

Nahaharap na ngayon sa administrative charges ang ilang tauhan ng Quezon City Police District o QCPD kuagnay sa kumalat na video ng magaling na aktor na si Ronaldo Valdez.

Limang pulis ng QCPD ang nahaharap sa kasong Neglect of Duty; Grave Irregularity in the Performance of Duty, Grave Misconduct in relation to R.A. 10173 (Data Privacy Act of 2012) and R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), Conduct Unbecoming of a Police Officer, at Grave Misconduct in relation to P.D. 1829 o Obstruction of Justice.

Sakaling mapatunayang may sala ang mga pulis, maaari silang matanggal sa serbisyo.

Samantalang Neglect of Duty ang isinampa naman laban sa tatlong (3) pulis sa ilalim ng doktrina ng command responsibility.

Sa isang pahayag na inilabas ng QCPD, tinitiyak nila na hindi nila kukunsintihin ang ganitong insidente kasabay ng pagpapatupad ng mas mahigpit na mga hakbang upang hindi na maulit ito.

Samantala, hinihimok ng QCPD ang pamilya Gibbs na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga sangkot sa pagkalat ng nasabing video.

Nauna nang humingi ng paumanhin si QCPD director PBGen. Redrico Maranan sa pamilya ni Valdez.

Ang sorry ay tugon sa hiling ng pamilya ni Janno Gibbs na mag-public apology ang pulisya kaugnay ng sinasabing palpak na paghawak ng ilang pulis sa insidente ng pagkamatay ng aktor. //CA, edited MENG TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *