21 sumukong rebelde sa Lake Sebu, nakatanggap ng livelihood assistance

KORONADAL CITY — NAKATANGGAP ng livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 ang 21 mga sumukong rebelde sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Kabilang sa mga natanggap ng mga ito ang P20,000 na Livelihood Settlement Grant o LSG at iba pa.
Mismong si DSWD XII Regional Director Restituto Macuto, ang nanguna sa pagbigay ng nasabing programa sa mismo kampo ng 12th Special Forces Company sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggpap.

Panawagan naman ni Macuto sa mga kasamahan ng mga ito na nasa bukiring bahagi pa ng rehiyon na magbalik-loob sa gobyerno upang makapamuhay ng matiwasay at makasama ang kani-kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *