210 aspirants at 270 na partylist representatives, naghain ng kanilang candidacy para sa eleksyon

Inanunsyo ng Commission on Elections na umabot sa 210 aspirants ang nag-apply para sa national posts sa 2022 elections.

Dagdag ng COMELEC, pumalo sa 270 ang bilang ng partylist representatives na naghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA),

Ipinunto ng COMELEC na mula sa nasabing bilang, 97 ang tatakbo bilang pangulo, 29 ang tatakbo bilang pangalawang pangulo, at 176 naman ang tatakbo bilang senador.

Kabilang sa mga humabol sa huling araw ng filing ay si Senator Ronald Bato Dela Rosa na naghain ng kaniyang COC para sa pagka-Pangulo.

Nagtungo rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa filing venue sa Sofitel Manila para suportahan ang mga kandidato ng PDP-Laban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *