2M pang AstraZeneca doses, darating sa PH bukas; 1.5M CoronaVac doses sa June 24

Nakatakdang magdeliver sa Pilipinas ang global initiative COVAX ng isa pang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines bukas.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccination Operations Center, na ang paparating na mga shots ay ibibigay sa mga healthcare workers, senior citizens, persons with comorbidities, at sa indigent sector.

Nabatid na ang Pilipinas ay nakatanggap na ng 5,025,870 doses mula sa COVAX facility, kung saan 2,556,000 dito ay AstraZeneca shots.

Samantala, 1.5 million pang doses ng CoronaVac, ay nakatakdang ilipad sa Pilipinas sa June 24, habang ang inisyal na 150,000 Moderna doses ay darating sa June 25. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *