4 katao, arestado matapos mahulihan ng PHP300K halaga ng shabu sa Tabaco Port

LEGAZPI CITY – Arestado ang apat kataong kinilala bilang tulak ng iligal na droga nang harangin ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay, Catanduanes, kasama ang Philippine Coast Guard (PCG) Albay sa Tabaco Port matapos mahulihan ng halos 50grams ng PHP300,000 halaga ng hinihinalang “shabu” na nagkaka PHP300,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga tulak na sina Michael Angelo Capistrano, 30 anyos, pansamantalang naninirahan sa #34, Gen. Espino Street, Brgy. South Signal Village, Taguig City; ,Domingo Casaul Capistrano, Jr., 50 anyos, mula sa Blk. 17, excess lot Soldiers Hills, Putatan, Muntinlupa City; Dante Subion, 35 anyos, building maintenance, residente ng Bislig, San Andres, Catanduanes; at John Spencer Avila, 26 anyos, lineman tehnician, mula rin sa kaparehong lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PCG Albay head, Deputy Commander, Jeffrey Collado, sinabi nito na pinagplanuhan nang mabuti ng PDEA Albay kasama ang iba pang nabanggit na ahensya, bago ikasa ang kanilang operasyon laban sa mga suspek na pawang galing sa Metro Manila na papuntang Catanduanes upang i-deliver ang nasabat na items.

Paglilinaw ni Collado, hindi maaaring hulihin ng PDEA Albay ang mga suspek sa loob ng barko dahil wala silang otoridad sapagkat nasa ilalim pa rin ito ng pamamahala ng PCG.

Dahil dito, naghanda sila upang inspeksyunin ang mga kagamitan sa barko; kasama sa mga ininspeksyon ng K-9 dogs ay ang mga bagahe at ilan pang kagamitan sa barko, at dito naamoy ang isang helmet na pinaglagyan ng narekober na shabu.

Ang nasamsam na item ay nakalagay sa mga sachet nahanda nang i-deliver at ibenta sa Catanduanes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *