40 wanted person, nalambat ng Pulis Kasanggayahan sa ‘OTBT’ implementation ng warrant of arrest

SORSOGON CITY – Sa isinagawang ‘kick-off ceremony’ ng ‘Crime Prevention Week’ noong Huwebes sa Camp Salvador Escudero Sr, masayang inihayag ni Police Director PCol Arturo Brual Jr ang isa na namang tagumpay ng Pulis Kasanggayahan, matapos ang ikinasang ‘One Time Big Time’ warrant of arrest implementation noong Agosto 30 nitong taon.

Ayon dito, sa loob lamang ng isang araw, may kabuuang 40 na indibidwal na may nakabinbin na warrant of arrest (WOA) ang sa wakas ay nasa kustudiya na ng mga awtoridad at isinasailalim na sa paglilitis bilang bahagi ng pinalakas na kampanya ng Manhunt Charlie ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO).

Ang mga wanted persons na ito ay naaresto dahil sa paggawa ng ibat-ibang krimen.

Sa bilang na 40, ang City Police ay nakapagsilbi ng WOA at naaresto ang 10 katao, sinundan ito ng Matnog MPS na may naarestong 6; Gubat MPS-4; Bulan, Casiguran at Irosin MPS, tig – 3; Magallanes, Pilar at Pto Diaz MPS – tig – 2 at tig- iisa naman ang nasilbihan ng WOA at naaresto ng Barcelona, Bulusan, Donsol, Juban at Sta Magdalena MPS.

Samantala, ang Castilla MPS ay may naarestong tatlong ‘Other Wanted Persons’ o OWP.

Nabatid na ang SPPO ay pumangatlo sa kampanya sa ‘OTBT’ Manhunt Charlie sa rehiyong Bicol.

Ang Manhunt Charlie ay ang ‘accounting’ ng mga wanted persons. Ang most wanted person naman ay mga indibidwal na notorious, na ang pag-aresto ay inuuna at pinaka-hinahangad dahil magbibigay ito ng kaluwagan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *