5 babae, nabuntis ng iisang lalaki nang sabay-sabay?

 Maituturing na isang malaking biyaya ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak kalaunan.

Ngunit, ano na lamang ang magiging reaksiyon mo kung ang iyong partner ay nakabuntis din pala ng iba?

‘Yung tipong mistulang nagkasabay-sabay din ang pagbubuntis niyo.

Paano pa kaya kung malaman mo na hindi lamang isa, dalawa o tatlo, kun’di apat na iba pang babae ang kasabay mong nagbuntis sa iisang tatay?

Ganiyan kasi mismo ang nangyari sa New York City kung saan, isang 22-anyos na rapper ang nakabuntis ng limang babae at pinagsabay-sabay ang baby shower.

Magkaganunpaman, tanggap umano ng limang babae ang kanilang sitwasyon at sa katunayan nakalagay sa kanilang invitation letter para sa nasabing baby shower ang katagang “Welcome little Zeddy 1-5.”

May isa pa sa mga babae ang nag-post ng video na may caption na “I guess we’re sister wives now.”

Sa ngayon, iba’t ibang reaksiyon ang natatanggap sa naturang pangyayari at talagang usap-usapan online.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *