500 family food packs, ipinamahagi ng DSWD Bicol sa mga pamilya sa Rapu-rapu, Albay noong Enero 2023

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 500 family food packs (FFPs) samga pamilya sa bayan ng Rapu-rapu, Albay na naapektuhan ng low pressure area (LPA) at “amihan” sa Bicol region.

Ayon sa ahensiya, namahagi sila ng FFPs sa mga pamilyang mangingisda na naapektuhan ng sama ng panahon.

Hindi rin nakakapunta sa laot ang mga mangingisda dahil sa maalong na karagatan, kung kaya’t ang kanilang hanapbuhay para sa pang-araw-araw na kita ay apektado.

Tuloy-tuloy din umano ang pagrereplenish ng mga FFPs sa mga DSWD/LGU na warehouse para sa agarang pagresponde sa sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *