Bicol region nagtala ng 51 bagong kaso, 147 recoveries at 4 na pagkasawi sa COVID-19

BNFM BICOL—Pumapalo na sa 46,571 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region pero nasa 5,383 (11.56%) na lamang nito ang aktibong kaso. 51 na bagong kaso ang nadagdag kahapon kung saan 15 nito ay mula sa Catanduanes.

Anim nito ay mula sa Caramoran, lima sa Virac, dalawa sa San Andres at tig-isa ang Gigmoto at Bato 14 ang bagong kaso sa Albay kung saan walo ang naitala sa Legazpi City at tig-iisa ang Camalig, Guinobatan, Ligao City, Malinao, Rapu-Rapu at Tiwi.

Sampo ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan apat ang mula sa Sorsogon City, tatlo sa Casiguran at tig-iisa ang Gubat, Matnog at Sta. Magdalena.

Walo ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan lima ang naitala sa Naga City at tig-iisa ang Buhi, Gainza at San Fernando.

Tatlo ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Labo at isa sa Paracale habang ang lalawigan ng Masbate ay nagtala ng isang bagong kaso na mula sa bayan ng San Pascual.

Samantala, pumalo na sa 39,458 (84.73%) ang total recoveries matapos maitala ang 147 na mga bagong gumaling. 61 nito ay mula sa Legazpi City, 47 sa Catanduanes, 25 sa Albay, siyam sa Camarines Norte at lima sa Sorsogon.

Umaabot naman sa 1730 (3.71%) ang death toll matapos madagdagan ng apat na panibagong nasawi kung saan tatlo nito ay mula sa Albay at isa sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *