7,302 new COVID-19 infections sa PH; Active cases, 59,865

Naiulat ng Department of Health ang 7,302 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dahilan para lalo pang lomobo ang kabuoang tally sa 1,315,639.

Dahil dito, sinabi ng DOH na 59,865 pa ang active cases, kung saan 91.2% ang mild, 4.6% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.

Sinabi ng ahensya na isang laboratoryo lang hindi nakapagsumite ng kanilang datos.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng recoveries sa 1,232,986, matapos gumaling ang 7,701 pang pasyente mula sa respiratory illness, habang ang death toll ay umakyat sa 22,788 matapos maitala ang 137 na mga bagong fatalities.// MHEL PACIA -TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *