9 na buhay na baboy mula sa red zone ng Sorsogon, nasabat ng City Veterinary Office ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Siyam na buhay na baboy mula sa red zone ng lalawigan ng Sorsogon ang nasabat ng City Veterinary Office ng Legazpi at ibinalik sa Castilla, Sorsogon.

Sinabi ni Dr. Emmanuel Estipona, head ng nasabing opisina, sa Brigada News FM Legazpi, mayroong nakapagbigay ng tip sa kanilang opisina tungkol sa binibiling mga baboy sa red zone area ng Sorsogon kung saan ibinibyahe ito papasok sa lunsod.

Napag-alaman din umano na ang mga nabanggit na hayop na pinapasok ay hindi dumadaan sa quarantine checkpoint kung saan mayroong ibang kalsada na dinaraanan upang makapasok sa lugar.

Dahil dito, inabangan ng law enforcement ang mga pinapasok ng nasabing hayop sa Brgy. San Francisco ng Legazpi.

Nang masakote ito ng mga otoridad ay agad na kinuhanan ng blood sample ang mga baboy at ibinalik agad sa court of origin habang pinawalang bisa naman ang mga business permits ng mga negosyante.

Sinabi ng opisyal, mahigpit na ipinagbabawal ng LGULegazpi ang pagbili ng mga baboy mula sa red zone ng Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *