Albay, nasa ilalim na ng pink zone status pagdating sa African swine fever

LEGAZPI CITY – Kumpirmadong nasa pink zone ngayon ang lalawigan ng Albay pagdating sa African Swine Fever (ASF) ayon sa Albay Provincial Veterinary Office (APVO).

Ayon kay APVO head, Dr. Pancho Mella, magandang pangyayari ito, ngunit aminado siya na malaki ang naging epekto ng mga naitalang kaso ng ASF sa industriya ng baboy sa iba’t ibang lungsod at bayan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang mga programa ng nasabing opisina upang masuportahan ang mga may ari ng babuyan sa mga hindi inaasahang sitwasyon sa sector ng livestock.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *